Dear Noel,
Hindi ko inaasahang mangyayari ang lahat ng ito. Nagsimula sa simpleng pagdagdag ko sa iyo sa aking mga listahan ng kaibigan sa Multiply at ngayon ay kaulayaw ko na sa aking isipan – sa kadulu-duluhan at kadilim-diliman. Andun ka. Kasama ka. Mukhang unti-unti ko nang naaangkin ang diwa mo. Pantasya mo. Kinagigiliwan ko ang bawat kabanata ng iyong maiikling kwento noon. Magpasahanggang ngayon, ang mga talata ng iyong kwento ay unti-unti nagsasanib ng pwersa upang pawiin ang normal na tibok ng aking dibdib. Bumibilis. Tila isang makinang nilalarawan lahat ng eksenang ipinapaloob mo sa iyong kwento. Parang sine.
Minsan, hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong isang kandila na tinutunaw ng iyong salita. Unti-unting nauupos. Unti-unti lumiliwanag. Dahan-dahan natatalo ng init ng apoy ang serang tumatakip sa sinulid. Napapabuntong-hininga tuloy ako. Madalas. Nakakatuwa kung paano mo rin nalalaro ang isipan ko sa ganitong paraan.
Tag-init na nga ngunit madali rin akong makaramdam ng lamig sa gabi. Nag-iisip. Nalulungkot. At malimit sa mga gabing iyon ang pagnanasa kong sana ikaw ang katabi ko sa gabing iyon. Ikaw ang maghahatid ng init sa aking katawan. Ikaw ang yayapos sa aking hubad nang katauhan. Doon lamang sa sandaling iyon, mapapangiti mo ako.
Hindi ko maitatanggi na ikaw ang madalas na nagiging dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng kagustuhang hawakan ang aking sarili. Kung bakit bumibilis ang daloy ng aking dugo. Kung bakit kailangan kong ibaba ang aking kamay at gawin ang dapat gawin. Kung bakit kailangan kong pumikit at alalahanin ka at ang mga kwento mong ubod ng init. Kung bakit ang maselang parte ng aking katawan ay namamasa at nais kong isigaw ang ngalan mo na parang ikaw ang kasiping ko sa oras na iyon. Sa paglabas ng likidong naipon sa loob ng aking puson. Mamamalayan na lamang na mag-isa lang pala ako.
Nahuli ko ang sarili ko kagabi. Ikaw nga iyon at napanaginipan kita. Siguro, nasobrahan ang aking utak sa pag-iisip sa mga kwento mo. Mga linyang nagpaliyab ng aking lunggati. Madilim sa kwarto ngunit sa lapit ng pagkakadikit ng ating mga katawan aninag ng mga mata ko ang hugis ng iyong mukha, ang mata mo kung saan nakikita ko ang repleksyon ng aking sarili. At ang mga labi mong agad kong hinalikan. Isang mainit na halik na noon ko pa gustong gawin. Hinimas ko ang buhok mo at hinalikan ka sa noo. Ramdam ko ang maselang parte ng iyong katawan na nagsisimula ng magalit. Alam kong nais na nitong pasukin ang kaibuturan ng aking pagkababae pero parehong ayaw natin magmadali. Para bang may kabang namumuhay sa ating mga dibdib na maaaring ito na ang huling pagtatagpo ng ating mga diwa, puso at, oo, mga hubad na katawan. Pareho nating gusto ang iisang bagay – maging isa. Wala ng puwang ang mga salita. Dahil ang mensahe ay nasa ating ginagawa.
Muli, lumaya ako sa piling mo.
Sa kasalukuyang nakikinig sa kantang : I Still Believe - Mariah Carey F. Krayzie Bone
Tuesday, April 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment