I wrote this last April 5, 10:45pm. I think I wanted to continue an in-between part that you wrote in In Bed. Here it is..
Isa-isa ko ng binabaklas ang mga kalasag na dati ay tumatakip sa buo kong pagkatao. Isinusubok ang paliko-likong daan maliban sa diretsong direksyon. Kahit alam ko, alam mo na ang diretsong iyon ang pinakamadali, iisa ang pareho nating naiisip – makilala ang isa’t isa - ng mas malalim. Hindi kailanman naging dahilan ang distansya – kahit edad, o kaibahan ng wika. Ang tanging totoo lamang ay iisa kayo sa damdamin, sa puso.
Malayo na naman ang iniisip mo. Kitang-kita ko na nag-aalala ka na naman kung ano ang nararamdaman ko, kung matatakot ako sa gagawin mo, kung sasang-ayon ako o tatakbo palayo. Hindi naman ako nagpatalo, takot akong magkamali, baka masaktan ka at maiwan ako, baka magalit ka at lumisan. Nakakatawa. Iisa lang ang gusto natin, ang puno’t dulo ng pinipintig ng ating pulso pero masyado tayong nag-iisip. Hindi kikilos ang isa kung walang gagawin ang kabila. Kinuha ko ang iyong kamay at tulad ng iyong sinabi, napakalambot nito. Tamang-tama lamang na dampian ng init ng aking pisngi. Huwag ka masyadong mag-alala. Hindi ako aalis. Hinalikan ko ang palad mo at nakita kong nawala ang agam-agam sa iyong mukha. Kaunting sandali pa ay nasilayan ko na muli ang ngiti mo. Sumaya ako.
Pinunan ko ang blangkong espasyo na naghihiwalay sa atin sa kamang iyon. Lumapit pa ng kaunti at nararamdaman kong bumibilis ang pintig ng iyong kamay. Nakatingin ka sa akin at marahil hinihintay mo ang susunod kong gagawin. Isang dipa pa, umusog akong muli at kinuha ang iyong kabilang kamay at ipinatong sa aking bewang. Tamang-tama lamang. Nagbuntung-hininga ka at kinagat ang iyong labi. Mukhang handa ka na.
Sa wakas, gumalaw ka at nakita kong nabuhay ang mga ugat sa iyong katawan nagawa mong bumangon sa wakes. Kinulong mo ako sa loob ng iyong mga bisig. Ang kakaibang aura sa mukha mo ay nasa ibabaw ko at nakatingin ako sa iyo na para kang ulap. Hinawakan ko ng dalawang kamay ang pareho mong bisig, pinagapang pataas sa iyong balikat hanggang umabot sa iyong bewang at saka ka hinila dahan-dahan, pababa sa aking katawan. Umiikot ang kilos natin. May isang gagalaw ang isa naman ay susunod kapag tumigil ito, kikilos naman ang nagpaubaya kanina at susunod ang isa.
Palaisipan pa rin sa akin ang ngiti mo kanina. Hula ko, may binabalak ka na naman.

No comments:
Post a Comment