Tuesday, April 8, 2008

Ikaw

8 April 2008
1:50pm
Yeah, you guessed it right, I wrote this after your call. I have to breathe and release something to get your voice out of my mind for a little while. It's not because I hate it. It just keeps on ringing like a telephone. Uhm, enough said. I don't want to elaborate because your voice will go back to my senses and I'll go crazy - again.


Pangalan ko ang huli kong narinig sa iyong bibig. Malinaw. Kahit may kasamang ungol ang mga ito, maganda pa rin sa pandinig marahil dahil sa iyo ito nagmula.

Sinisimulan mo na muling angkinin ang aking isip. Hindi ako papayag. Ang boses na pumapailanlang sa kwartong ito ay dinuduyan ang aking kamalayan. Nilalabanan ko ang init na nagmumula sa iyong paghinga, sa iyong pawis at sa iyong katawan. Hindi kita mapapahinto at hindi mo rin ako mapapagalaw. Kailangan may isang magbigay, magparaya. Ako iyon. Pero, hindi ko lahat mabibigay ang nais mo. Alam mong hindi ako sanay sa ganito. Pakikinggan lamang kita. Kaunting kataga lang ang sasambitin ko para ganahan ka. Gusto kitang marinig habang iniisip mo ako, habang humihinga ka ng malalim, sinisigaw ang pangalan ko hanggang sa labasan ka.

Wala namang nagbago. Ikaw pa rin si Noel. Ikaw pa rin ang taong malayo sa tabi ko ngunit malapit sa aking isip. Ang taong kaya akong hawakan at pasibikin kahit hindi nasasaling. Ikaw pa rin ang taong may mayamang utak na paminsan-minsan kong napaglalaruan at nakakausap. Ikaw pa rin. Ikaw.

No comments: